LOVE
AT FIRST FLIGHT Sa mga napaulat na kinakasama ni Estrada, si Rowena ang hindi sikat. Isa lamang siyang tahimik na nilalang na dating flight attendant ng Philippine Airlines (PAL). Ngunit hindi niya inaasahang siya pala ang bibihag ng puso ni Estrada at mapapabilang sa mga kalaguyo ng Pangulong binabagabag ngayon ng samu't saring krisis. "Mali ang ibinigay ninyong pangalan ni Rowena sa istorya n'yong "Mga Libreng Pabahay ni Erap", ang malutong na sita sa PINOY TIMES ng isa sa mga kaibigan ni Rowena na kalauna'y nagboluntaryong magkuwento pa tungkol sa buhay ng isa sa mga First Ladies ni Estrada. Madaling intindihin kung bakit gusto nyang maging anonymous ---- natatakot na sya ay balikan dahil sa kanyang nalalaman tungkol sa relasyon nina Estrada at Rowena. Ang pakilala nya sa amin ay kaibigan niya si Rowena at ang asawa nitong si Felipe Neri Lopez, na kapwa flight attendants ng PAL. Opo, may asawa si Rowena na isa ngayon sa mga "koleksyon" ng Pangulo! "Ang totoo nyang pangalan," patuloy pa ng aming impormante, "ay Ma. Rowena Gomeri Lopez at hindi Rowena 'Gumiri' Lopez." Aniya, Ilongga si Weng na taga-Carlota, Negros. Ang asawa ni Weng ay nag-resign sa PAL. Hindi maalala ng impormante ang eksaktong petsa kung kailan ito umalis ng PAL, pero natitiyak niyang bago ito magkakilala sina Weng at Estrada. Umalis si Felipe sa PAL upang tumulong sa business ng parents niya na nasa construction at real estate. Hindi maganda ang naging takbo ng kumpanya at kalaunan ay nawalan siya ng trabaho. Nang magkaproblema ang PAL dahil sa unyon, kumuha ng contractual ang kompanya at natanggap si Felipe bilang miyembro ng flight crew. Pero ang kontrata niya ay hanggang 6 buwan lamang. Pagkatapos nito ay wala na naman siyang trabaho. Ipinasya niyang makipagsapalaran sa Amerika. Nagpatuloy naman si Weng sa pagiging flight attendant sa PAL. "She's very sexy pero simple iyan. Very friendly at mabait sa lahat," anang isa pang kakilala ni Weng. Kilala rin si Weng na palakwento sa kahit sinumang tao, maging sila man ay cargo handlers o tauhan ng catering. Alam ni Weng na maganda siya pero hindi niya ito pinagyayabang. "She's beautiful in person. She has a super-angelic face. You'll really fall for her," paglalarawan pa ng isa pang impormante ng PINOY TIMES kay Weng na kabilang sa PAL batch 1987. Unang nasilayan ni Estrada ang mala-anghel na kagandahan ni Weng nang bumiyahe siya sa New York noong 1998 para makipaglibing sa yumaong kapatid niyang si Emilio Ejercito, Jr. Isang jet ng PAL ang ginamit ni Estrada sa biyahe at kabilang si Weng sa crew na nagsilbi sa Pangulo noon. Ganito ang kwento sa PINOY TIMES ng mga nakasaksi kung paano nagkakilala sina Estrada at Weng habang nasa loob noon ng eroplanong tumutulak patungong Amerika: "Bakit Seiko ang relo mo?" lambing ni Estrada kay Weng na nagsisilbi noon. "E, kasi matibay," sagot ni Weng. Nang sumunod na makita si Weng ng kanyang mga kaibigan, Rolex na ang suot niyang relo. Magmula noon ay lagi nang kasama si Weng ng presidential crew sa mga biyahe ni Estrada sa ibang bansa. Mahilig umano sa party si Weng, lalo na sa mga karaoke bar. Anang impormante ng PINOY TIMES, ang kainuman ng Pangulo na isang piloto ng PAL ang nag-ayos minsan ng isang dinner-date nina Estrada at Weng. "Natipuhan talaga ni Estrada si Weng," dagdag pa ng impormante. "Erap really showered her with material things. Grabe kung manuyo." Naikuwento rin sa amin ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na patay na patay talaga si Estrada kay Weng at pinilit niya itong huwag nang patulan ang stewardess dahil ito ay may asawa na. Noong mag-on na sila, niregaluhan pa umano ni Estrada si Weng ng mga alahas na tadtad ng mga diyamante. "Weng is really a nice girl," anang source. "Kung natukso man siya siguro ay napag-isipan niya ito nang husto. She has three kids, ang isa ay autistic pa. Her parents depended on her. Jobless noon ang husband niya," anang source. Noong una, tumanggi si Weng na magpasilaw sa panunuyo ni Estrada. Pero iba umano mangharana ang Pangulo. Nadiskubre niya ang problema ni Weng sa pera. Hindi nagtagal ay nakumbinse si Weng na si Estrada ang solusyon sa kanyang mga problema, anang source. May usap-usapan ngayon na meron na siyang franchise ng Jollibee sa Bacoor, Cavite. Nasundan ito ng pagkakaroon niya ng bahay sa Marina. Isang araw, nasorpresa ang mga kaibigan ni Weng nang dumalaw ito sa kanila dumating siyang sakay ng isang BMW. "Weng is no longer with PAL. She was hired as consultant to presidential flights. Kunwari he's (Estrada) scheduled to fly to Cotabato, si Weng ang bahala sa flight arrangements there at ang sweldo daw ni Weng ay P150,000.00, supposedly paid by PAL pero ewan kung totoong galing nga sa PAL," kwento pa ng impormante. "Papa Joseph ang tawag ni Weng kay Estrada," anang mga kaibigan ng dating flight attendant. Inilarawan ng impormante kung gaano kabongga ang bahay ni Weng sa Manila Bay na katas ng pagiging isa niya sa "First Ladies" umano ni Estrada. "Nakapunta na ako sa loob ng kanyang bahay sa Marina (Manila Marina Baytown homes na katabi ng Asiaworld buildings ni Tan Yu sa Manila Bay). Limitado ang mga taong pwedeng pumasok sa bahay na iyon. Maganda ang loob at may malaking chandelier na kristal sa pagpasok," aniya. Napanganga rin daw siya ng makita ang swimming pool at malaking kusina. "Ang sabi nga ni Weng sa akin ay toothbrush lang daw ang dala niya paglipat niya roon," bida pa niya. Hindi na siya naninirahan doon ngayon. Umalis muna siya para makaiwas sa iskandalong kinasasangkutan ng Presidente. Kahit daw tawagan sa telepono ang bahay ay may sasagot na walang nakatirang Weng doon. Siya ay pansamantalang nasa Cavite ngayon. Kahit karelasyon si Estrada, nagkikita minsan sa Amerika si Weng at ang asawa itong si Felipe o Boying. Ngunit noong umuwi si Felipe sa Pilipinas ay hindi maitago ni Weng ang lahat --- nahulog na ang kanyang loob kay Estrada. Pinalayas siya ni Felipe sa kanilang bahay sa Cavite. Ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang ni Weng ay napigil ang paghihiwalay. Pero nang malaman ng mga magulang ni Rowena na sina Teresa Gomeri at Hernan Gomeri (ayon sa record ng PAL) na si Estrada pala ang sumusuporta sa kanila, kinumbinsi nila si Weng na ipagpalit umano si Felipe sa Presidente. Dahil dito, itinilaga ni Estrada bilang senior deputy collector ang tatay ni Weng sa Bureau of Customs. Binigyan din ang mga magulang ng bagong kotse. Nabili ng mga magulang ni Rowena ang bahay sa Cavite sa maliit na halaga lamang. Mahilig din si Weng sa mga alahas kung kaya't marami itong "diamond set" na naipakita sa kanyang mga kabarkada. Nag-iba na rin ang pag-uugali ni Weng ngayon kumpara sa dati. Iba na siyang umasta dahil siya ay one of the "First Ladies", wika nga, ayon sa mga kaibigan niya. Ngunit alam lahat ng mga kasama ni Weng sa PAL na ipinagpalit umano niya ang kaniyang pamilya para sa luho, kayamanan at kapangyarihan. "Noong huling flight ni Erap sa abroad kasama pa siya," anang aming impormante. Nang tanungin kung paano si Weng kung kasama si Loi sa biyahe ni Estrada, ito and sagot niya: "Kasama siya pero patago. She boards the plane ahead, mingles with the crew pero pag boarding na she goes to the rear end of the plane. Doon siya sa rest cabin for take off and landing." May bali-balitang bingiyan si Boying ng Honda CRV at P5 million. "Totoong may CRV siya pero may istorya dyan," hirit naman ng kanyang kaibigan. "Yung family business nila sa construction ay nagkaroon ng maraming deals at projects sa government. Ang problema kaya humina ang business nila kasi hindi sila makasingil." Kabuuang P50 million ang collectibles ng kumpanya na hindi masingil-singil. Si Weng umano ang nag-asikaso para mapabilis ang bayaran. "Hindi alam kung nabayaran lahat. Nung nakakolekta, naawa naman siguro yung tatay ni Boying sa kanya at bilang pakonswelo, ibinili siya ng CRV. Binigyan din yata ng pera so he can start on his own again," dagdag pa ng aming source. |
|
webmaster's note: this was forwarded to me by email. Erap kung nababasa mo ito (marunong ka bang magbasa?), saksakan ka ng libog! MANYAKIS!!! |
|
back to The Erap Scandals and Brouhahas
|